^
Petsa ng Filing ng COC ipinalilipat
Ito ay batay sa ­inaprubahan ng Kamara na concurrent resolution no.20 na inihain nina House Speaker Gloria Arroyo at Majority leader Rolando Andaya Jr.
Miguel de Guzman

Petsa ng Filing ng COC ipinalilipat

Gemma Garcia (Pang-masa) - September 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa halip na sa Oktubre 1 hanggang 5 ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kandidato sa 2019 midterm elections ay pinalilipat ng liderato ng Kamara ang petsa sa Oktubre 11 hanggang 17.

Ito ay batay sa ­inaprubahan ng Kamara na concurrent resolution no.20 na inihain nina House Speaker Gloria Arroyo at Majority leader Rolando Andaya Jr.

Paliwanag nina Arroyo at Andaya, hindi na akma sa legislative calendar ng Kongreso kaya maiipit ang mga mambabatas na kailangang maghain ng COC dahil may mga trabaho sila sa Kongreso.

Base umano sa kanilang concurrent resolution no. 19, ang may re­gular session ang Kongreso mula August 28 hanggang October 12, 2018 ay mag-a- adjourn sa October 13  hanggang November 11,2018.

Sa panahong sila ay may session, tinatrabaho umano nila ang mabibigat na panukala partikular na ang 2019 General Appropriations Act o National Budget at  mahalaga umano na mai­lipat ang petsa ng filling ng COC para makatugon ang mga mambabatas hanggang sa deadline nito habang hindi rin mapapabayaan ang kanilamg trabaho sa dalawang kapulungan.

COC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with