Duterte hindi magbibitiw

MANILA, Philippines — Sa kabila ng sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na nais niyang magbitiw sa puwesto dahil sa labis na pagkadismaya, nagpahiwatig naman siya sa kanyang talumpati kamakalawa ng gabi na wala na itong balak magbitiw sa puwesto at nais pa niyang maka-trabaho ang mga senatoriables ng Hugpong ng Pagbabago na binuo ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

 

Ayon sa Pangulo, nanatili pa rin ang pagnanais ng kanyang administrasyon na panatilihin at ipagtanggol ang pinapahalagahang “democratic values” kasama na ang “party dynamics” ng political environment.

“Let me reiterate that this administration remains committed to preserve and defend our most cherished democratic values, one of which is the vibrant party dynamics in the Philippines political environment,” sabi ng Pangulo.

Tiniyak din ng Pa­ngulo sa ginawang convention ng mga kasapi ng HNP na nagsisimula pa lamang sila at nais ng Pangulo na makita pa ang maaari nilang magawa.

“I assure you that this is only the beginning. I look forward to the many of the things that we can accomplish together in the years to come. May this new chapter in our party’s history or group or whatever inspire us to further continue upholding excellence, accountability and solidarity as we bring genuine transformation to all the Filipino,” ani Duterte.

Show comments