Drug bust sa Maynila, 3 bulagta
MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad sa magkahiwalay drug buy bust operation ang tatlong lalaki na umano ay drug pusher kahapon ng madaling araw at kamakalawa sa Maynila.
Sa ulat ng MPD-Station 1, napatay dakong alas-4:10 ng madaling araw ang drug pusher na si Joseph Dalisay, 29, ng Sto. Niño St., Tondo, Maynila.
Nabatid na matapos makabili ang poseur buyer sa suspek ay nakahalata ito na pulis ang ka-deal kaya’t bumunot ito ng baril at pinutukan, subalit hindi tinamaan.
Agad gumanti ng putok ang mga nakaantabay na mga kasama at napatay si Dalisay.
Sa ikalawang insidente, napatay naman dakong alas-4:15 ng hapon sa loob ng Manila North Cemetery ang mga tulak na sina Luisito Torilla alyas “Louie”, 39, residente ng no. 728 T. Alonzo St., Sta. Cruz, Maynila at Ricardo Reyes, 20, ng Phase 2, Marcelo st., NBBS, Navotas City nang ito ay manlaban sa buy bust operation.
- Latest