Sekyu inagawan ng baril, mister nagbaril

MANILA, Philippines — Inagawan ng isang lalaki ang baril ng isang sekyu at pagkatapos ay nagbaril sa sarili naganap kamakalawa ng hapon sa Brgy. Calios, Sta Cruz, Laguna.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong ala-1:45 ng hapon sa tapat ng isang gusali sa Brgy. Poblacion III, Sta Cruz ng lalawigang ito ay kasaluku­yang nagbabantay ang security guard na Rebong Security Agency na si Norberto Garay, 70-anyos, biyudo sa harapan ng Balintawak Refreshment sa Pua Building, Brgy. Poblacion III nang bigla na lamang inagaw ng hindi pa nakilalang mister na tinatayang nasa 36 hanggang 40 taong gulang, may tattoo sa kanang bahagi ng katawan “Praying hands” at “rosary” sa kanang kamay ang baril.

Tinangka namang bawiin ng sekyu ang kaniyang baril pero binaril ito ng desperadong mister  at nasugatan ito.

Kasunod nito ay itinutok ng suspek ang baril sa kanyang kanang sentido saka ipinutok na namatay noon din.

Show comments