11,000 terorista nadakip

MANILA, Philippines — Nasa 11,000 miyembro at lider ng mga teroristang grupo ang naaaresto ng tropa ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag kahapon ni National Security Adviser (NSA) Hermogenes Esperon Jr. sa ginanap na Tatak Katatagan 2018 Pre-State of the Nation Address (SONA) Cabinet Cluster Security, Justice and Peace brie­fing na dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan.

Sinabi ni Esperon na simula nang maupo si Pa­ngulong Duterte sa puwesto noong Hulyo 1, 2016 hanggang sa kasalukuyan ay naitala ang 11,000 te­rorista mula sa hanay ng Abu Sayyaf Group (ASG), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), New People’s Army (NPA) at Daesh Maute-Islamic State of Iraq and Syria ( Maute-ISIS) ang nalipol.

Show comments