Mag-utol dedbol sa ambush

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang magkapatid matapos na sila ay pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng national road, Brgy Poblacion, Cataingan, Masbate kamakalawa ng gabi.

Ang magkapatid na nasawi ay kinilalang sina Samuel Pablo at Antonio Pablo, pawang nasa hustong gulang at mga residente ng Brgy Concepcion ng bayang ito.

Batay sa ula, bago nangyari ang pamamaril sa magkapatid dakong alas-10:20 ng gabi ay sakay ang mga ito ng kulay itim na motorsiklo at binabagtas ang nasabing highway patungong Brgy. Poblacion ng sundan ng mga suspek na sakay rin ng motorsiklo.

Pagsapit sa zigzag road ay bigla na lamang pinagbabaril ang magkapatid na duguang humagis mula sa sinasakyang motorsiklo.

Pagbagsak sa lupa ay bumaba pa ang mga salarin at pinaputukan muli ang mga biktima upang matiyak na hindi na ito mabubuhay pa.

Nagsitakas patungo sa direksyon ng lungsod ng Masbate ang mga suspek.

Show comments