^

Police Metro

2 bebot tiklo sa P3.3-M shabu

Cristina Timbang - Pang-masa
2 bebot tiklo sa P3.3-M shabu
Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon nang magsagawa ang Cavite Police Provincial Intelligence Branch (PIB) ng buy bust operation laban sa dalawang suspek na kung saan ay nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis.
File

MANILA, Philippines — Dalawang babae na umano ay bigtime drug pusher ang nadakip ng mga pulis sa isang buy bust operation sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite, kamakalawa.

Ang dalawang suspek ay kinilalang sina Jamila Sultam Alonto, alyas Gemma Jose; at Lanie Jarique Garcia, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Blk. 49, Lot 11, Waling-waling St., ng nasabing barangay.

Nasamsam ng mga otoridad sa dalawang suspek ang mahigit kumulang sa 300 gramo ng shabu na may street value na P3.3 milyon.

Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon nang magsagawa ang Cavite Police Provincial Intelligence Branch (PIB) ng buy bust operation laban sa dalawang suspek na kung saan ay nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis.

Nang maiabot na ang items ay dito na inaresto ang dalawang suspek na hindi na pumalag pa.

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with