Trillanes, devil specialist -Malacañang

Ayon kay Roque, kilalang kritiko ni Pangulong Duterte si Sen. Trillanes ay walang ibang bukang-bibig ito sa nakaraan kundi devil o demonyo.
Senate PRIB/Cesar Tomambo, File

MANILA, Philippines — “Devil specialist si Sen. Antonio Trillanes”.

Ganito inilarawan ni Presidential Spokesman Harry Roque ang senador na nagpahayag na may sungay ang Diyos na kinikilala ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Roque, kilalang kritiko ni Pangulong Duterte si Sen. Trillanes ay walang ibang bukang-bibig ito sa nakaraan kundi devil o demonyo.

Magugunita na sinabi ni Trillanes na baka raw may sungay ang kinikilalang Diyos ni Pangulong Duterte matapos sabihin nitong “Who is this stupid God”.

Idinagdag pa ni Trillanes na walang kuwenta rin ang binuong panel ni Duterte para makipag-dayalogo sa Simbahan at iba pang religious groups.

Buwelta ni Roque sa kilalang kritiko ng Pangulo, bahala na ang mambabatas sa nais nitong maging isang devil specialists kasunod ng banat nito sa isyu ng pakikipagdayalogo ng gobyerno sa religious group.

Kamakailan ay nagkaroon din ng palitan ng maaanghang na salita ang dalawa matapos na sabihan ni Trillanes si Roque na nagsasanla ng kaluluwa sa demonyo dahil sa isyu naman ng West Philippine Sea.

Show comments