^

Police Metro

Lola, 2 pa huli sa P1.1-M droga

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nabitag ng mga ­elemento ng pulisya ang isang 82 -anyos na lola at dalawa pa nitong kapamil­ya matapos mahulihan ng bulto ng shabu na nagkakahalaga ng P1.1-M sa buy bust operation sa lungsod ng Batangas, kamakalawa ng gabi.

Sa report ni Police Regional Office (PRO) IV A Director P/Chief Supt. Edward Carranza, kinilala ang nasakoteng matanda na si Estelita Andal, anak nitong si Circoncicion ­Andal, 59 at manugang na si Danilo Ramos, 32.

Alas-11 ng gabi nang magsagawa ng buy bust ­operation ang mga ­operatiba ng pulisya laban sa target na matandang suspek na matagal ng nasa drug watch list sa Brgy. Calicanto ng lungsod.

Nabatid na naki-pagdeal ang matanda sa mga operatiba na bibili ng 58 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P15,000. Habang isinasagawa ang transakyon ay dito na dinakip ng mga operatiba ang mga suspek na pawang mga tulak ng droga sa kanilang lugar.

Lumilitaw pa sa im­bestigasyon na ang mag- ina ay madalas magtungo sa lumang palengke ng lungsod kung saan nagbebenta ang mga ito ng shabu.

Samantalang maging ang manugang ng matanda ay naging aktibo rin sa pagtutulak ng droga.

vuukle comment

EDWARD CARRANZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with