Tinatanggal ng mga manggagawang ito ang mga nakabarang mga basura sa Estero de Magdalena, Maynila kahapon.
Edd Gumban
1,388 sako ng basura, nakolekta ng PRRC sa clean-up operations
(Pang-masa) - June 8, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakakolekta ng 1,388 sako ng solidong basura nitong Mayo at unang linggo ng Hunyo ang Pasig River Rehabilitation Commis-sion (PRRC) sa kanilang tuloy-tuloy na clean-up operations.

Ayon kay PRRC ­Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia, sa clean-up operations ng river warriors at river patrols sa 15 estero at sapa nitong Mayo ay pinakamarami ang nakuha sa Estero de Paco sa lungsod ng Maynila na 519 sako ng solidong basura ang nakolekta.

Nitong Mayo rin, nakakolekta ng 300 sako ng basura sa ilalim ng Sevilla Bridge sa San Juan River bagamat bumaba ito sa 50 sako na lamang nitong unang linggo ng Hunyo at mas mataas ang 54 sako ng basurang nakolekta ng PRRC sa Estero de San Miguel sa Maynila.

“Nakalulungkot na kahit may kampanya kami laban sa mga ‘esterorista’ ay patuloy ang pagtatapon ng basura ng mga ires­ponsableng mamamayan natin sa tributaryo ng Pasig River, lalo sa mga sapa at estero,”diin ni Goitia.

Pinuna rin ni Goitia ang ulat ng United Nations Environment Program (UNEP) na kalahati ng plastic waste sa karagatan ay nagmumula sa China, Indonesia, Pilipinas, Thailand at Vietnam.

“Iwasan na po natin ang paggamit ng plastik upang hindi tayo makapinsala sa ating mga karagatan, maraming lamang dagat tulad ng mga balyena at lumba-lumba ang namamatay kada taon dahil sa nakakain nilang plastic waste na hindi natutunaw sa kanilang mga tiyan.” wika ni Goitia.

JOSE ANTONIO GOITIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with