10 pulis Bulacan kinasuhan ng kidnapping

Ayon kay Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, hepe ng Philippine National Police Counter-Intelligence Task Force, na isa sa naging biktima ay nagsabi na hinihi­ngan sila ng 10 pulis ng P50,000 para sa kanilang kalayaan.
File

MANILA, Philippines — Sampung pulis mula sa lalawigan ng Bulacan ang kinasuhan sa DOJ ng kidnapping, robbery in band at pag­labag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa umano’y pag-aresto sa naarestong mga suspek na pakakawalan lang kung makapagbibigay ng salapi.

Ang suspek ay kinila­lang sina Senior Insp. Wilfredo Dizon Jr.; SPO4 Gary Santos; SPO2 Christopher Aragon; SPO1 Dante Castillo; SPO1 Jophey Cucal; SPO1 Rolando Ignacio Jr.; PO3 Dennis De Vera; PO3 Rosauro Enrile; PO2 Nicanor Bautista; at PO2 Chester Say-eo.

Habang ang police chief ng San Rafael, Bulacan na si Supt. Rizalino Andaya, ay sinibak sa puwesto dahil sa command responsibility.

Ayon kay Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, hepe ng Philippine National Police Counter-Intelligence Task Force, na isa sa naging biktima ay nagsabi na hinihi­ngan sila ng 10 pulis ng P50,000 para sa kanilang kalayaan.

Nabatid kay Bulacan Provincial Director Chito Bersaluna na ang mga biktima ay unang inaresto dahil sa pagtitinda ng smuggled na mga sigaril­yo noong Mayo 19 at kinotongan ng P50,000.00 kapalit umano ng hindi pagsasampa ng kaso.

 

Show comments