Misis nag-party, tinodas ng mister
Rhoderick ­Beñez (Pang-masa) - May 28, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinatay ng isang mister ang kanyang misis matapos ang mainitang pagtatalo nang sitahin ng una ang pag-uwi nito ng disoras ng gabi matapos na dumalo sa sayawan naganap noong Biyernes ng gabi at pagkatapos ay nagbigti ito kamakalawa ng umaga sa Purok 3, Brgy. Bacong, Ligao City, Albay.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang madiskubre ang nakabigting katawan ng suspek na si Domingo Lozada Jr., 44, sa isang ginagawang bahay ng isang Araceli Quides, 49, na naglalakad sa lugar.

Kaya agad ipinagbigay alam ni Quides sa mga kaanak ng biktima at pumunta sa bahay ni Domingo para ipaalam sa misis nitong si Emily ang pangyayari.

Gayunman, laking gulat ng mga kaanak nang makitang patay din si Emily na duguan ang ulo at natatakpan ng kumot sa loob kanilang kusina.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na pinatay ng mister ang kanyang misis sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo.

Nagsimula ang pagtatalo noong Biyernes ng gabi matapos umuwi ng disoras ng gabi ang misis na dumalo sa isang sa­yawan sa katabing barangay na hinihinalang nagseselos ito.

Dito ay pinalo ng mister ang misis ng kahoy bago ito pinagtataga hanggang sa mapatay.

Tumakas ang suspek at hinala ng pulisya na agad ­inusig ng kanyang konsensiya ang una kaya nagbigti ito.

Nabatid din sa mga kapitbahay na laging nag-aaway ang mag-asawa dahil sa umano pagiging se­loso ng mister.

ARACELI QUIDES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with