^

Police Metro

‘Work from home’ isinulong sa Kongreso

Gemma Garcia - Pang-masa
�Work from home� isinulong sa Kongreso
Inihain ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang House Blll 5841 para ipakunsidera sa mga pampubliko at pribadong korporasyon ang “telecommuting” bilang alternatibong paraan ng pagtatrabaho kung saan papayagan ng mga employer ang “work from home” set up sa mga empleyado na may kaakibat na kondisyon.
File

MANILA, Philippines — Isinusulong ng isang mambabatas ang panukalang “work from home” programs dahil sa pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo at paglala sa daloy ng trapiko.

Inihain ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang House Blll 5841 para ipakunsidera sa mga pampubliko at pribadong korporasyon ang “telecommuting” bilang alternatibong paraan ng pagtatrabaho kung saan papayagan ng mga employer ang “work from home”  set up sa mga empleyado na may kaakibat na kondisyon.

Ang telecommuting ay nangangahulugan na partial o total substitution ng commuteers o telecommunication technologies o pareho para mag-commute patungo sa trabaho ang isang empleyado.

Layunin ng panukala na mabawasan ang vo­lume ng traffic, itaas ang work productivity ng mga empleyado, makaiwas sa mga sakit dulot ng polusyon, traffic at stress sa araw-araw na pagbiyahe.

Makakatulong din umano ito sa mga employers para mapaunlad ang isang organisasyon, maitaas ang employee performance, mabawasan ang employer’s office cost at mapaganda ang customer satisfaction.

Base sa Japan International Coordination Agency (JICA) aabot sa P2.4 bilyon ang lugi ng Pilipinas dahil sa matinding traffic at pinanga­ngambahan na umabot pa sa P6 bilyon ang lugi ng bansa sa taong 2030.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with