^

Police Metro

Retired US Navy kulong sa rape

Mer Layson - Pang-masa
Retired US Navy kulong sa rape
Kinilala ang suspek na si Manuel Llara, 56, retired US Navy, nakatira sa Unit 5 Town House 39-B, Bangar St., New Haven Village, Brgy. Kaligayahan, Quezon City.
File

MANILA, Philippines — Inaresto kahapon ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang retired US Navy dahil sa panghahalay sa kanyang 16-anyos na pamangkin.

Kinilala ang suspek na si Manuel Llara, 56, retired US Navy, nakatira sa Unit 5 Town House 39-B, Bangar St., New Haven Village, Brgy. Kaligayahan, Quezon City.

Sa ulat, ang panggagahasa umano ng suspek sa kanyang pamangkin na itinago sa pangalang Pinky, 16-years old ay naganap dakong alas-11:00 ng umaga sa loob ng isang apartelle sa Quirino Highway, Brgy. Greater Lagro.

Nabatid na pumunta ang suspek at biktima sa isang kilalang mall sa Fairview para kunin ang ipinagawang party ba­lloons pero pagdating doon ay hindi pa tapos ang mga baloon at sinabing balikan na lamang.

Niyaya ng suspek ang kanyang pamangkin na kumain na muna pero sa halip na sa restaurant ito dalhin ay ipinasok siya sa apartelle at doon inilukso ang puri ng biktima sa kabila ng pagmamaka-awa nito at tinakot na papatayin kapag nagsumbong.

Pag-uwi sa bahay ay agad na sinabi ng biktima sa kanyang mga magulang ang panghahalay na ginawa sa kanya ng suspek at agad na inireklamo sa pulisya at inaresto.

vuukle comment

MANUEL LLARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with