Ilegal na kaltas sa pension pinapatigil ng PNP retirees
MANILA, Philippines — Hiniling ng mga retirees na mga opisyal at miyembro ng pulisya sa bagong luklok na si Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde na atasan ang PNP Finance Service na ipatigil ang ilegal na kaltas sa kanilang pension.
“This flagrant abuse of the PNP’s system for automatic deductions has gone on for too long. It has placed us and our families in serious financial distress since these savings and loan associations (SLAs) impose excessive interest rates and prolonged term of loan payment,” anang mga retirees.
Anila, ang automatic deductions sa kanilang buwanang pensiyon ay epektibong ipinatutupad ng PNP sa pamamagitan ng Automatic Pension Deduction Scheme pabor sa PNP accredited Multi-Purpose Cooperatives (MPCs) at Savings and Loans Associations (SLAs).
Nagsipalag ang mga retirees dahilan ang pangongolekta umano ng kabayaran sa kanilang mga pension loans ay una nang idineklara ng Department of Justice (DOJ) na illegal noong Hunyo 2017 pero sa kabila nito ay nagpapatuloy ang nasabing katiwalian.
Sa pahayag naman ni Chief Supt. Lyndon Cubos, hepe ng PNP Finance Service na hindi nila maaring basta na lamang ipatigil ang automatic loan deductions system sa dahilang mayorya sa mga retirees ay may mga utang pa.
- Latest