Misis pinatay ng selosong mister

Ang biktima na idi­neklarang dead on arri­val sa ospital ay kinila­lang si Michelle Roxas, 35, empleyado ng isang mall sa Marilao at residente ng nasabing lugar.

MANILA, Philippines – Inumpog sa sahig at sinakal ng isang mister ang kanyang misis nang magkaroon ng mainitang pagtatalo dahil sa selos naganap kahapon ng madaling araw sa loob ng kanilang silid sa kanilang bahay sa Catahan, Brgy. Loma De Gato, Marilao, Bulacan.

Ang biktima na idi­neklarang dead on arri­val sa ospital ay kinila­lang si Michelle Roxas, 35, empleyado ng isang mall sa Marilao at residente ng nasabing lugar.

Tumakas ang suspek na si Carl Michael Roxas 34,drayber at residente din ng naturang lugar.

Sa imbestigasayon dakong ala-1:00 ng mada­ling araw nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa tungkol umano sa nabasang text ng mister sa cellphone ng misis mula sa isang lalaki na gustong makipagtagpo.

Pinabulaanan ng mi­sis ang bintang ng mister hanggang sa iumpog ang ulo nito at sinakal pa hanggang sa mawalan ng malay tao.

Tumakas ang suspek habang dinala ang biktima sa ospital, subalit namatay din ito.

 

Show comments