^

Police Metro

Gondola bumagsak mula 68th flr ng gusali, 4 sugatan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sugatan ang apat na katao makaraang bumagsak ang isang gondola buhat sa ika-68 palapag ng isang kinukumpuning gusali sa Makati City kahapon ng umaga.

Isinugod sa Makati City Medical Center ang mga biktimang nakilalang sina Antonio Arcilla, 47, gondola operator; Aljon Gorgonio, 25; Rochel Balauag, 31 at Florito Torrevillas, 47, pawang mga pasahero naman ng isang pumapasadang jeep.

Sa inisyal na ulat ng Makati City Police, dakong alas-9:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa tapat ng Shang Salcedo Place building sa kanto ng Gil Puyat Avenue at Tordesillas Street, ng naturang lungsod.

Nabatid na sakay ng naturang gondola si Arcilla sa ika-68 palapag ng gusali nang biglang mamatay ang dalawang makina nito at tuluyang bumulusok sa ibaba.  Tumalsik naman ang may isang dipang bakal sa pampasaherong jeep na nakahinto sa tapat ng gusali at lumusot sa bubungan dahilan para magtamo ng pinsala ang tatlo nitong pasahero.

Dalawang sports utility vehicle (SUV) at isang taksi rin ang bahagyang napinsala sa insidente.

Ginagamit ang gondola kapag may kukumpunihin, magpipintura o maglilinis ng mga bintana ng matataas na gusali.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with