Joy Belmonte, programa na kontra droga pinalakas pa

MANILA, Philippines — Nagpakita ng pagsuporta si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa kasalukuyang administrasyon nang sumanib ito sa volunteer group na tumulong kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections.

Si Belmonte ay nanumpa bilang bagong miyembro ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD NECC) at itinalagang political adviser ng MRRD NECC-Quezon City Chapter.

Nangako ang anak ni dating mayor, House Spea­ker, at ngayo’y 4th District Rep. Sonny Belmonte, Jr. na lalo pang paiigtingin ang kanyang suporta sa mga adbokasiya ng pamahalaan laban sa illegal drugs, korapsyon, kriminalidad, insurgency at kahirapan.

Show comments