^

Police Metro

Pulis-Quezon City patay sa leptospirosis,’di sa Dengvaxia

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Phi­lippine National Police (PNP) na sakit na leptospirosis at hindi dahil sa dengue vaccine na Dengvaxia ang ikinasawi ng isang pulis mula Quezon City Police District.

Sinabi ni Chief Ins­pector Benaly Bayani, medical officer ng PNP Health Service, na hindi naman naturukan ng Dengvaxia ang 50-anyos na pulis at pagsusuri ay leptospirosis ang ikinasawi.

Ang leptospirosis ay isang uri ng nakamamatay na sakit sanhi ng ihi ng daga na karaniwan ng nakukuha sa paglusong sa baha.

Ayon naman kay PNP Health Service Director, Senior Superintendent Antonette Langcaoun, wala umano ang pangalan ng pulis sa masterlist ng mga naturukan ng Dengvaxia.

Na-admit sa PNP Ge­neral Hospital ang pulis na nakatalaga sa Station 6 ng QCPD noong Marso 2 at namatay kinabukasan.

Dagdag pa ni Langcaoun na tanging edad 9 hanggang 45 ang tinurukan ng Dengvaxia at hindi napasama roon ang nasa­wing pulis na 50-anyos na.

May kabuuang 4,548 na mga pulis ang naturukan ng Dengvaxia na patuloy na minomonitor ng PNP Health Service.

Related video:

vuukle comment

PHI­LIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with