School principal dinukot ng Abu
MANILA, Philippines — Isang school principal ang dinukot ng mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang mga miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa bayan ng Patikul, Sulu kahapon.
Ang kinidnap na biktima ay kinilalang si Marjorie Abdul, 58, principal sa Liang Elementary School sa nasabing bayan.
Sa report ni AFP Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Carlito Galvez Jr. dakong alas-9:30 ng umaga nang dukutin ang biktima sa kanyang opisina ng nasabing eskuwelahan sa Brgy. Liang, Patikul.
Tinukoy naman ni Joint Task Force (JTF) Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana, ang grupo nina Suraka at Edimar Hayudini ng Ajang-Ajang group ng mga bandido ang nasa likod nang pagdukot sa biktima at nasa 11 na ang hawak nilang mga bihag.
- Latest