^

Police Metro

Magpinsan sinaksak ng rapist

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasugatan ang magpinsang menor de edad matapos na sila ay pagsasaksakin ng tricycle driver nang pumalag sa tangkang panghahalay sa kanila kahapon ng madaling araw sa Brgy. Nangalisan, Infanta, Pangasinan.

Ang magpinsan ay itinago sa pangalang April at May, kapwa 16-anyos, estudyante at residente sa lugar na nilalapatan ng lunas sa ospital dahil sa tinamong saksak sa katawan at braso.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilalang si Bonifacio Mirador, 20.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:00 ng mada­ling araw ay magkasamang natutulog ang magpinsan sa silid ng bahay ni Erwin Nafarrete nang puwersahang pasukin ng suspek at tabihan ang mga ito sa intensyong gahasain.

Nagising ang magpipinsan nang maramdaman na may humihimas sa maseselang bahagi ng kanilang katawan at inu­umpisahan na silang hubaran.

Nagsisigaw ang dalawang dalagita kaya nairita ang suspek at sinaksak ang mga ito.

 Nagtatakbo naman ang suspek patakas ng maramdamang nagising ang pamil­ya ng mga biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with