^

Police Metro

Piper plane bumagsak: 10 patay!

Pang-masa
Piper plane bumagsak: 10 patay!
Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang mga natustang katawan ng may 10 katao kabilang ang dalawang piloto matapos na bumagsak ang 6-seater piper plane sa isang residential area sa Brgy. Lumang Bayan, Plaridel, Bulacan kahapon ng tanghali.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Patay ang 10 katao kabilang ang dalawang piloto makaraang aksidenteng bumagsak ang isang piper plane sa isang residential area sa Purok 3, Brgy. Lumang Bayan, Plaridel, Bulacan kahapon ng tanghali.

Sa ulat, sinabi ni Bulacan Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., 10 bangkay ang nakuha ng nagrespondeng mga ele­mento ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team sa crash site.

“Ten confirmed killed, body count yan na-retrieve nun SOCO team natin, CAAP personnel and Bureau of Fire Protection (BFP) team sa area,” pahayag ni Caramat .

Base sa impormasyon mula Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang eroplano na isang Piper PA-23-200 Apache, RPC #299 na ino-operate ng Lite Air Express ay may apat na pasahero at dalawang piloto.

Ang eroplano, ayon kay Caramat ay pinalilipad nina Captain Ruel Meloria at co-pilot nitong si Efren Patugalan sakay ang apat na pasahero.

Ang eroplano ay kaka-take-off  lamang mula sa Plaridel Airport bandang alas -11:21 ng tanghali patungong Laoag City nang bumagsak dakong alas-11:35 ng tanghali at ayon sa ilang mga nakasaksi sa pangyayari ay sumabit pa ang pakpak nito sa poste ng kuryente at maging sa puno sa lugar.

Kinilala ang mga nasawing lulan ng eroplano na sina Capt. Ruel Meloria at co-pilot na si Patugalan; Romeo Huenda, chief mechanic, mga pasaherong sina Alicia Necesario, Maria Vera Pagaduan at Nelson Melgar.

Nakilala naman ang mga nasawi sa nabagsakang bahay na sina Louisa Santos dela Rosa, 80; mga apo na sina John John dela Rosa, 17; Timothy dela Rosa, 11; Trisa dela Rosa, 7, at ina nilang si Risa dela Rosa. Sila ay nagsasalo-salo sa pananghalian nang mangyari ang trahedya.

Ang insidente ay ikinasugat ng dalawang iba pa at lumikha rin ng sunog.

Sinabi naman ni Chief Inspector Agustin Joseph, hepe ng Plaridel Police, kasalukuyang kumakain ang pamilya ni Louisa Santos nang bumagsak dito ang eroplano. Joy Cantos, Boy Cruz, Butch Quejada

vuukle comment

PIPER PLANE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with