Paslit sa Pasig nakaligtas sa kidnap

MANILA, Philippines — Nakaligtas ang isang 5-anyos na batang babae na tinangkang dukutin sa harapan ng tahanan nito sa Villa Tupaz, Brgy. San Joaquin, Pasig City dakong alas-9:00 ng umaga.

Naaresto ang isa sa tatlong suspek na si Romualdo Abalajon Jr., 49 ng 8207 Constancia St., Makati City.Habang pinaghahanap ang dalawang kasama nito.

Bandang alas-9:00 ng umaga nang tangkang dukutin ng mga suspek ang biktima na itinago sa pangalang Nicole  na nakita naman ng kapitbahay na nakahingi ng tulong at naaresto si Abalajon habang nakatakas ang dalawang kasama.

 

Show comments