Oil price hike patuloy

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy pa rin na mataas ang presyo ng langis sa world market ay magpapatuloy pa rin ang pagtaas sa presyo ng petrolyo sa bansa na ipatutupad ngayong darating na linggo.

Sa pagtataya ng Department of Energy (DOE), maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang itataas ng presyo ng gasolina habang P0.40 hanggang P0.50 naman ang sa diesel at kerosene na ikaapat nang sunod na tumaas.

Mula Enero 1 hanggang ngayon ay P1.75 na ang iminahal ng diesel habang piso naman sa gasolina dulot ng pagmahal ng imported na produkto.

Bukod pa ito sa oil price hike dahil sa excise tax sa petrolyo sa implementasyon ng TRAIN law.

Show comments