Mayor, 2 pa opisyal na nameke ng attendance kinasuhan
Gemma Garcia (Pang-masa) - January 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng falsification of public documents sa Sandiganbayan sina Northern Samar, Palapag Mayor Manuel Jaldo Aoyang; Sanggunian Bayan Member Eleno Calot at Sangguniang Bayan secretary Emil Go dahilan sa umanoy pamemeke ng attendance of minutes ng pagpupulong ng Sangguniang Bayan.

Base sa record ng Ombudsman  pineke ng mga akusado ang “resolution approving the list of anti-po­verty reduction projects” ng munisipyo at ang “excerpts mula sa  minutes ng special session ng Sangguniang Bayan ng Palapag noong Pebrero 17, 2015.

Isinama umano sa excerpt ang pangalan ng mga mi­yembro ng SB na sina Sonia Evardone at Anacorito Javier bilang kasama sa mga dumalo para maipasa ang resolusyon.

“(T)hereby making it appear that Evardone and Javier participated therein,when in truth and in fact, as accused well knew, that they were not present, much less participate in the deliberation, passing or approval of the Resolution, to the damage and prejudice of public interest,” nakasaad sa kasong isinampa.

Inirekomenda ng Ombudsman ang P24,000 piyansa sa bawat akusado.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with