^

Police Metro

3 parak patay sa killer truck!

Raymund Catindig at Joy Cantos - Pang-masa

CEBU, Philippines — Patay ang tatlong bagitong pulis habang tatlo pa nilang kasamahan ang malubhang nasugatan matapos na salpukin ng isang humahagibis na 10-wheeler truck ang kanilang sinasakyang patrol car sa Brgy. Lorenzo, Iguig, Cagayan nitong Biyernes ng gabi.

 Ayon kay PO2 Anthony Pamittan, dead-on-arrival sa Cagayan Valley Medical Center ang drayber ng patrol car na Toyota Hilux (SJZ-866) na si PO1 Ben Jay Keith Pursen at si PO1 Jesmonde Basiag habang namatay noong Sabado ng umaga si PO1 Daryll James Galario.?

Kritikal naman sina PO1 John Rey Balong-angey, PO1 Winnie Belangui at PO1 Charlo Kiat-ong na tumilapon palabas ng sasakyan at nagpagulong- gulong pa sa kalsada.

 Sa imbestigasyon ng Cagayan Police,  pauwi na sa Apayao ang nasabing mga parak nang i-overtake ng sinasakyan nilang patrol car ang isang kotse.

Gayunman, sa bilis ng pangyayari ay nabangga sila ng kasalubong na ten wheeler truck na patu­ngong Tuguegarao City.

?Sinasabing nag overtake sa isa pang sasakyan si Pursen kaya nito sinalpok sa kabilang linya ang trak na minamaneho ni Antonio Sumulat, 42, na sumuko matapos ang sakuna na naganap dakong alas 9:30 ng gabi.?

Nabatid na galing sa Tuguegarao City ang nasabing mga pulis matapos na ipa-CT scan ang isa nilang kasamahan at pauwi na sa kanilang kampo sa Provincial Mobile Force Company sa Luna, Apayao nang maganap ang aksidente.  

Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at multiple physical injuries ang sumukong driver ng truck.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with