^

Police Metro

14K parak na nabakunahan ng Dengvaxia, minomonitor

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa si Dr. Ted Carranza, Director ng PNP-Health Service na imonitor ang kondisyon ng 14,000 pulis sa buong bansa na nabakunahan ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine na gumawa ng karampatang aksyon kung nakitaan ito ng sintomas sa  kinatatakutang epekto ng Dengvaxia.

Sa panig naman ni Dr. Reimound Sales, Chief ng PNP General Hospital kabilang sa 14,000 nabakunahan ng Dengvaxia ay nasa 860 dito na na­kabase sa Camp Crame.

Anya, kasalukuyan ay buhay pa lahat ang mga pulis na nabakunahan nila ng Dengvaxia at wala pang nakikitang may sintomas.

Sinabi ni Sales na patuloy nilang imomonitor ang kondisyon ng mga pulis na nabakunahan ng Dengvaxia para kung sakaling may problema ay agad itong malapatan ng karampatang lunas.

Nabatid na ang nasabing mga pulis ay nabakunahan ng dengvaxia  noong PNP Health Service Anniversary noong Nobyembre 21,2017  habang ang unang do­sage naman sa unang batch ay naibigay noong Setyembre.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with