Justice Carpio handang tumestigo vs Sereno

MANILA, Philippines — Handa nang tumestigo si Associate Justice Antonio Carpio sa impeachment hearing laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaya’t humingi ito ng kopya ng mga isyu na tatalakayin sa kanyang pagdalo sa House Committee on Justice.

Sa sagot na sulat ni Carpio, sinabi nito na ang mga naunang mahistrado at opisyal ng Korte Suprema na dumalo sa nasabing pagdinig ay nabigyan ng kopya ng mga isyu na tatalakayin na kanila namang lilinawin. 

Maliban kay Carpio ay inimbitahan din ng komite ang iba pang mahistrado ng Korte Suprema, gayundin ng Sandiganbayan, Court of Appeals, Trial court judges at iba pang opisyal at empleyado ng hudikatura.

Magugunita na nauna nang dumalo sa pagdinig sina Associate Justices Teresita de Castro, Noel Tijam, at Francis Jardeleza gayundin si Retired SC Justice Arturo Brion.

Show comments