^

Police Metro

Aquino humarap sa Senate probe sa Dengvaxia mess

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pormal na humarap kahapon si dating pa­ngulong Noynoy Aquino III sa Senate investigation sa naging programa ng kanyang administrasyon sa dengue vaccination program na ngayon ay sentro ng pagkatakot ng mga naturukan.

Inimbitahan ng Senate Blue Ribbon Committee si Aquino sa hearing upang makapagbigay ng liwanag sa procurement ng vaccine Dengvaxia matapos aminin ng manufacturer na Sanofi Pasteur na lalong lalala ang kaso ng severe disease kung ito ay ibinakuna sa mga hindi pa nagkakasakit ng dengue.

Sa opening statement ni Aquino, agad nitong nilinaw na ang pagbili ng anti-dengue vaccine ay para sa kapakanan ng mga mamamayan matapos ipaalam sa kanya ni dating Health secretary Enrique Ona na hindi na seasonal ang nasabing sakit at lahat ng uri ng Dengue ay narito na sa Pilipinas.

Iniulat rin umano ni Ona ang 5 rehiyong may pinakamataas na ulat ng Dengue na nagkaroon ng 100% increase kabilang ang Region 8.

Ipinunto rin ni Aquino na pinaghandaan nila ang worst case scenario dahil kung magkakaroon ng 200,000 kaso sa bawat taon, ang potensiyal na puwedeng magkasakit ay nasa 2.8 milyon.

Kabilang umano sa ginawa ng gobyerno ang paglulunsad ng National Dengue Prevention and Control Program kung saan  pinangunahan ng DOH ang indiscriminate fogging at Dengue Treated Screens at Mosquito Ovicida/Larvicidal traps .

Inamin rin ni Aquino na nagtungo siya sa Paris noong Disyembre 2015 para sa COP21 kung saan kinausap niya ang mga negosyante partikular ang Vivapolis, Airbus, Jacobi, CRH, Usine IO, at Sanofi.

Ayon pa kay Aquino base sa pag-intindi niya sa Dengvaxia, natapos na ang local at international processes nito kung saan tiningnan pa nila ang U.S. FDA na may 5 steps.

Ikinuwento rin ni Aquino na noong ini­lunsad ang programa sa Zambales noong Abril 2016, ipinakita sa kanya ang presentasyon kung saan nakasaad ang ilang bakunang dekada nang napapakinabangan ng may-kaya pero kailan lang naibigay sa publiko katulad ng bakuna sa Polio, Rabies, at Pneumonia.

Ipinunto ni Aquino na obligasyon ng gobyerno na siguruhin na mabibigyan ng bakuna ang mga mahihirap at hindi umano niya inisip na ipagkait sa pinaka-nangangailangan.

Ipinagtanggol rin ni dating Health Secretary Janette Garin ang na­ging desisyon ng kanyang ahensiya kung saan kinonsulta rin umano nila ang medical society sa problema ng dengue at ginawa ang nararapat noong kinaharap nila ang problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with