400 kilong isdang ‘putok’ nasabat

MANILA, Philippines — Halos 400 kilong isda na nahuli sa pamamagitan ng dinamita ang nasabat ng mga otoridad sa karagatan malapit sa Real, Quezon.

Nagsanib pwersa ang Joint personnel from Coast Guard Station Northern Quezon, Coast Guard Station Real, Municipal Fisheries and Aquatic Resources Council (M-FARMC), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources and Municipal Agricultural Office (MAGO) ng Real, Quezon para makumpiska ang nasabing mga isda sa baybayin ng Brgy. Ungos at Brgy. Pob 61, Real, Quezon kahapon.

Ininspeksyon ng ­pwersa ng PCG ang isang motorbanca “kevi2” matapos mapansing abandonado sa baybayin ng Pob. 61 at nang suriin mula sa BFAR Real Quezon ay nakumpirma na ang mga isda ay nahuli sa pamamagitan ng illegal fishing activities.

Show comments