^

Police Metro

Walang nanalo sa giyera sa Marawi-DU30

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa katatapos na bakbakan sa Marawi, iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala umanong maituturing na panalo sa nangyaring giyera sa pagitan ng gobyerno at ISIS-Maute group.

“Nobody won that war, not the government. We were able to kill many... but it does not promote peace in this world,” ayon kay Pangulong Duterte sa speech nito sa Association of Southeast Asian Nations Business and Investment Summit (ABIS) kamakalawa ng gabi.

Ang limang buwang bakbakan sa Maute-ISIS terrorist group ay nagwakas noong Oktubre 23 kung saan ay mahigit 1,000 katao karamihan ay mga terorista ang nasawi habang libu-libo ang nawalan ng tahanan.

Winika pa ni Pangulong Duterte, walang nakamit ang anumang panig sa nasabing giyera na nagsimula noong May 23 nang lumusob ang Maute at Abu Sayyaf group at itinayo ang ISIS stronghold sa rehiyon.

Idinagdag pa ni Pa­ngulong Duterte, isa sa sentro ng tatalakayin sa ASEAN Summit ay ang Islamist extremism na ikinababahala na rin ng mga non-traditional allies ng Pilipinas tulad ng China at Russia gayundin ng Estados Unidos kaya nagpaabot sila ng suporta sa gobyerno ni Pangulong Duterte upang labanan ang nasabing banta sa rehiyon.

Nangako naman si Pa­ngulong Duterte na ibabalik nito sa dati ang Marawi City matapos mawasak sa giyera sa pamamagitan ng pagbubuhos ng bilyong pondo para sa rehabilitas­yon nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with