^

Police Metro

Seguridad sa ASEAN, todo na – PNP

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Todo na ang seguridad ng Philippine National Police kaugnay sa pormal na pagdaraos ng ika-31 Association of Southeast Asian (ASEAN) at East Asia Summit sa bansa ngayong Nobyembre 13-15.

Ayon kay  PNP Chief Director General Ronald “Bato’ dela Rosa,

100 % na preparado na ang lahat ng security measures na kanilang ipatutupad para sa ikatatagumpay ng ASEAN Summit na iho-host ng bansa sa Manila, Clarkfield, Pampanga at magkakaroon din ng aktibidades sa ilang bahagi ng Southern Luzon.

Ang PNP ay todo alerto habang idinaraos sa bansa ang ASEAN Summit partikular na sa mga itinalagang venue, billeting area at mga lugar na maaring bisitahin ng mga delegado upang matiyak na mapayapa at matiwasay itong maidaraos.

Ayon sa PNP chief, patuloy ang pagpapairal ng gun ban sa nasabing mga lugar upang maiwasan ang mga karahasan hanggang sa pagtatapos ng okasyon.

Kasabay nito, nanawagan sa netizens si dela Rosa na tulungan ang PNP na magdasal para maging matagumpay ang security forces sa pangangalaga sa seguridad ng mga dadalong head of states, iba pang mga delegado at mga VIPS sa ASEAN Summit.

Ang “no sail zone” at “no fly zone” kabilang na rin ang mga drones ay mahigpit na paiiralin bilang bahagi ng security measures malapit sa mga venue ng summit.

Umpisa kahapon, ipi­nakalat na ng PNP ang 60,000 pulis na manga­ngalaga sa mga venue ng ASEAN Summit, billeting area at mga lugar na pupuntahan ng mga delegado ng okasyon na nagsimula nang magdatingan sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with