Huling hapunan ng mag-ama

MANILA, Philippines — Namatay habang sumasailalim sa operation sa ospital ang mag-amang Macario Danglod, 37; at Mark Jonel, 8 matapos na sila ay pagbabarilin habang naghahapunan sa kanilang bahay sa Sitio Highway Boulevard, Brgy.Landasan, Parang, Maguindanao.

Sa report ng Parang-PNP, naghahapunan ang mag-ama sa loob ng kanilang tahanan nang dumating ang mga suspek at walang kaabog-abog na sila ay pagbabarilin.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis kahapon ng madaling araw at dito ay napatay ang isang suspek na si Mama Anto Abo na nakatira malapit sa bahay ng mag-ama.

Naaresto rin ang umano’y utak sa krimen na hindi muna pinangalanan ng pulisya.

Show comments