Mangingisda kinidnap sa Sulu

MANILA, Philippines — Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang limang mangingisda sa Brgy. Simbahan, Poblacion Pangutaran, Sulu, kamakalawa ng gabi.

Ang mga dinukot ay kinilalang sina Vergel Arquino,25,ng Davao City; Joshua Ybanez, 23; Emo Pausto,63; Jonald Minalang, 24, at Sepriano Sardido, pawang mga residente ng Pagadian City.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Sulu Provincial Police, dakong alas-8:15 ng gabi nang maganap ang pagdukot sa mga biktima habang sakay ng kanilang bangka sa Sitio Manubal, Brgy. Simbahan sa bayan ng Pangutawan.

Hindi na naabutan ng mga rumespondeng otoridad para mailigtas sana ang mga biktima.

Show comments