PNP ipapatupad ang maximum tolerance sa ‘Day of Protest’

MANILA, Philippines — Mahigpit na ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang maximum tolerance kaugnay ng ikinakasang nationwide day of protest  ng mga militanteng grupo at ng mga kritiko ng organisasyon sa Setyembre 21 kasabay ng paggunita sa ika-45 taong anibersaryo ng deklarasyon ng martial law  sa bansa ng yumaong si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos na nakahanda na ang lahat ng security measures na ipatutupad sa anibersaryo ng martial law at minobilisa na ang Task Force Manila Shield sa ilalim ng pamumuno ni Manila Police District P/Chief Supt. Joel Napoleon Coronel kaugnay naman ng ikinakasang rally ng Movement Against Tyranny at  multisectoral group sa Luneta Park sa Setyembre 21.

Nakaalerto rin ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa iba pang bahagi ng Metro Manila na nasa full alert status.

Inihayag pa ng opisyal na wala namang namomonitor na banta sa seguridad ang PNP kaugnay ng gaganaping nationwide day of protest.

Show comments