Tumakbong alkalde inutas sa bus terminal

MANILA, Philippines -  Isang lalaki na tumakbong mayor noong nagdaang halalan sa Pikit, North Cotabato ang binaril at napatay sa loob ng compound ng isang bus terminal na kung saan doon siya nagtatrabaho bilang OIC ng Mindanao Star Bus na matatagpuan sa Don Rufino Avenue, Cotabato City, kahapon ng umaga.

Nasawi noon din dahil sa tama ng bala sa ulo ang biktimang si Datu Musim Mamintal, residente ng Pikit, North Cotabato.

Sa salaysay ng sekyu ng bus dakong alas-11:00 ng umaga ay nakaupo umano ang biktima na OIC manager ng bus company sa loob ng compound at pinipirmahan ang mga tiket na gagamitin ng konduktor nang lapitan ito ng suspek na  naka-jacket at nakasumbrero at malapitang binaril sa ulo.

Agad ng inuwi ang bangkay ng biktimang si Mamintal sa kanyang bayan ng Pikit at agad namang inilibing batay sa relihiyong Muslim.

Show comments