PDEA: 3,677 barangays sa buong bansa drug free
Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - June 30, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Umaabot sa 3,677 barangay sa buong bansa ang idineklarang drug free.

Ito ang inihayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Isidro S. Lapeña, matapos ang pagpapalabas ng isang certification ng miyembro ng Oversight Committee on Barangay Drug-Clearing Program.

Ang Oversight Committee, na pinamunuan ng  PDEA, at kinabibilangan ng provincial representatives DILG, ang  Philippine National Police (PNP), Department of Health (DOH) at ang local government units.

“Bago ang pagdedeklara na ang isang barangay ay free mula sa illegal drug activities, ang committee ay magpupulong para ivalidate ang non-availability ng drug supply sa lugar at ang kawalan ng pagdadala ng droga, clandestine drug laboratory at chemical warehouse, pagtatanim ng  marijuana, drug den, drug pusher at user,” sabi pa ni Lapeña.

Dagdag ni Lapeña na sa 20,104 o 47.83 porsiyento ng kabuuang barangay sa bansa ay apektado ng droga.

Sa mga nasabing barangay 68.5 percent o 13,782 ay itinuring na bahagyang naapektuhan, 30.4 percent o 6,114 barangays ay katamtaman, habang ang nala­labing isang porsiyento o 208 barangays ay seryosong apektado.

Ang National Capital Region (NCR) ang pinakamataas na rate ng barangay drug-affectation na 97.3 percent, kasunod ang  Region XIII at 86.58 percent at Region VII na 82.75 percent. Ang rehiyong nangunang  apektado ng mapanganib na droga ay ang Cordillera Administrative Region (CAR) na 3.49 percent.

Noong  June 2, 2017, ang Batanes ay nakakuha ng distinction sa pagiging pinaka-unang probinsya na iprinoklamang drug-free.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with