Ilocos Sur niyanig ng magnitude 4.7 lindol
Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - June 25, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 4.7  lindol ang bahagi ng Ilocos Sur kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang sentro ng pagyanig sa 51 km sa southwest ng Santa Catalina, Ilocos Sur, dakong alas-4:37 ng madaling araw.

May lalim ang lindol na 29km at tectonic ang origin.

Gayunman naramdaman ang intensity II sa Vigan City; Intensity III- Sinait, Ilocos Sur; at Intensity I - Pasuquin, Ilocos Norte.

Kasunod nito ang apat pang mga aftershocks sa nasabing lugar, subalit wala namang iniulat na nasira o nasugatan sa nasabing lindol.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with