Apat magkakapatid ginahasa, 2 nabuntis ng amang adik
Francis Elevado (Pang-masa) - June 19, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Hindi magawang mapasalamatan o batiin man lang ng Happy Father’s Day ng apat na magkakapatid na babae ang kanilang tatay dahil sa ginawang kalapastanganan sa kanila nang isa-isang halayin sa kanilang bahay sa Masbate City habang ang nanay nila ay nagtatrabaho sa ibang lugar.

Sa tulong ng City Social Worker and Development at ng school officials ng Batuhan Elementary School ay agad na ipinarating sa mga otoridad ang pangyayari na agad na ikina-aresto ng suspek na hindi na pinangalanan para na rin sa seguridad ng magkakapatid na nasa gulang na 5, 10, 13 at 15-anyos.

Batay sa salaysay ng 5-anyos nagawa niyang makatakas sa kanilang bahay matapos ang isinasagawang pangmomolestiya ng kanyang ama sa ibang mga kapatid.

Sa isinagawang medical examination ay positibong ginahasa ng suspek ang apat nitong anak.

Sa resulta ng medical examination ay positibong hinalay ang magkakapatid at dalawa sa kanila na nasa edad 10 at 13 ay posibleng nabuntis batay sa resulta ng pregnancy test.

Sinalaysay din ng 10 at 13-anyos na bukod sa kanilang ama ay hinalay din sila ng kanilang 50-anyos na tiyuhin na ngayon ay nagtatago sa Metro Manila.

Kasalukuyan nakakulong na ang ama na umano ay lulong sa ipinagbabawal na gamot kaya’t nagawa nitong gahasain ang apat na anak na babae.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with