5 drug pusher dedo sa buy bust

MANILA, Philippines -  Lima umanong drug pusher kabilang ang isang dating konsehal ng bayan ang napatay sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Pasig City, Maynila at lalawigan ng Oriental Mindoro.

Sa Pasig City, napatay ng mga pulis ang   dalawang pinaghihinalaang notoryus na drug pushers na kinilalang sina alyas David at alyas Jason nang kumasa sa mga operatiba ng pulisya sa buy bust operation sa panulukan ng Jenny’s Extension at Eusebio Ave­nue sa  Brgy. San Miguel, kahapon ng ala-1:45 ng madaling araw.

Nabatid na nakipag-deal ang mga operatiba sa dalawang drug pushers at habang nagsasagawa ng transaksyon ay nakahalata ang mga ito kaya’t bumunot ng baril at pinutukan ang pulis na nagpanggap na buyer na nakaligtas dahil sa may suot ng bullet vest.

Sa Maynila ay napatay din ang dalawang drug pusher na alyas Joshua, at Alvin nang manlaban umano sa mga pulis na nagsagawa ng buy bust operation sa Intramuros at Sta. Cruz, kamakalawa ng alas-10:15 ng gabi.

Napatay din ng mga pulis ang dating konsehal ng bayan ng Victoria, Oriental Mindoro sa buy bust operation sa Brgy. Ordovilla kamakalawa ng alas-8:30 ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Roel Ganad, 32, dating Municipal Councilor ng Victoria at residente ng Brgy. Poblacion 3.

Pinaghahanap naman ang nakatakas nitong kasamahan na hindi pa natukoy ang pagkaka­kilanlan.

Ayon sa imbestigasyon, habang nakiki­pag-deal ang poseur buyer ng pulisya sa suspek ay nakatunog ito na nahulog siya sa bitag ng mga anti-drug operatives kaya’t bumunot umano ito ng baril na agad namang naunahan ng mga pulis.

Show comments