Opening ng klase sa Mindanao, tuloy sa Hunyo 5

MANILA, Philippines -  Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na tuloy pa rin ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Mindanao sa Hunyo 5, sa kabila ng kaguluhang nagaganap sa Marawi City kasunod nang pagsalakay doon ng Maute group.

“The opening of classes in public elementary and high schools, including those in Mindanao, will push through on June 5 as scheduled,” pahayag ng DepEd, sa isang pahinang kalatas.

“The Department of Education further emphasizes that schools will not be used as evacuation centers. In Marawi City, the provincial capitol and the Mindanao State University (MSU) will serve such purpose,” dagdag pa nito.

Kasabay nito, pinaalalahanan rin ng kagawaran ang lahat ng sektor na tiyakin ang ‘neutrality’ at kaligtasan ng mga paaralan at maging ng mga temporary learning spa­ces bilang mga ‘zones of peace’ o lugar ng kapayapaan.

Umapela rin ang DepEd na huwag idamay sa anumang kaguluhan, karahasan, intimidasyon at pagbabanta, ang mga mag-aaral, mga guro at mga personnel ng mga paaralan.   

Show comments