10 terorista patay sa encounter
Joy Cantos at Rhoderick Beñez (Pang-masa) - May 19, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Napatay ng mga tropa ng pamahalaan ang sampung miyembro ng nagsanib na puwersa ng mga teroristang grupo habang walo pa ang sugatan sa isang engkuwentro sa Sitio Mantisao, Brgy Bual, Isulan, Sultan Kudarat nitong Huwebes.

Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, Commander ng Army’s 33rd Infantry Battalion (IB) dakong alas-6:30 ng umaga nang maganap ang bakbakan sa pagitan ng kaniyang mga tauhan.

Ang nakasagupa ng tropa ng pamahalaan ay ang nagsanib puwer­sang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF),  Maute terrorist groups at iba pang bandidong grupo sa lugar na mga terorista at lawless elements.

Inihayag ng opisyal na kasalukuyang isinisilbi ng Army’s 33rd Infantry Battalion (IB) at ng lokal na pulisya ang search warrant laban sa mga armadong lawless element tulad ni Kumander Dimas alyas “Dragon” na dating miyembro ng MILF nang magpaputok ang mga kalaban na nauwi sa bakbakan ng magkabilang panig.

Samantalang nasakote rin ng security forces ang bandidong si Abdul Magid Logioman alyas “Black Moro”, 41 at  nakumpiskahan rin ng isang M653 rifle.

Nasugatan naman ang sundalong si Sgt. David Desidario ng Division Reconnaissance Company na agad isinugod sa pagamutan at idineklarang nasa ligtas ng kalagayan.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng tropa ng pamahalaan laban sa lahat ng grupo ng mga terorista at bandido na nago-operate sa Central  Mindanao.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with