Libreng sakay sa LRT 1, 2, at MRT-3 ngayong Labor Day

MANILA, Philippines - Magbibigay ng libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 1, 2 at Metro Rail Transit-3 bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-115 anibersaryo ng Labor Day.

Ang libreng sakay ay ipatutupad mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Layunin nito na kilalanin ang malaking kontribusyon ng mga manggagawa para sa bansa.

Kinakailangan lamang umanong magprisinta ng identification card ng mga manggagawa upang makasakay ng libre. 

Show comments