Obrero nalaglag mula sa ika-8 palapag, dedo

MANILA, Philippines - Durog ang katawan ng isang 24-anyos na obrero nang aksidenteng mahulog mula sa ikawalong palapag ng isang gusali na kanilang ginagawa sa Barangay Ugong, Pasig City kahapon ng umaga.

Ang nasawi ay kinilalang si Jaymar Odonio, stay-in construction worker sa ginagawang gusali ng Alaska Land Inc., na matatagpuan sa Ortigas Avenue sa Barangay Ugong.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, na nakarating sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nabatid na pasado alas-11:00 ng umaga nang mahulog si Odonio mula sa ikawalong palapag ng ginagawang gusali.

Itinawag ng mga kasamahang trabahador ng biktima sa mga tauhan ng Pasig City Rescue ngunit nang makita ng mga rescuer na patay na ito ay ini-report na lamang ito sa mga pulis.

Patuloy ang im­bes­ti­gasyon dahil walang nakasaksi kung paano nahulog ang biktima.

Show comments