Mister di pinasiping ni misis, pumatay

MANILA, Philippines - Dahilan umano sa pagtanggi ng kaniyang misis na makipag-sex isang mister na nasa impluwensya ng alak ang namaril at nakapatay matapos itong mag-amok sa Brgy. Lizada, Toril  District, Davao City kamakailan.

Kinilala ang suspek na si Robert Cayetano Mariano Sr., 59 at residente ng nasabing lugar.

Batay sa paunang pagsisiyasat, bago nangyari ang nasabing pamamaril, lango umano sa alak ang suspek dahilan para umayaw na makipag-sex ang misis nito kaya nagalit at nag-amok ito bandang alas-5:30 ng hapon sa lugar.

Pinagdiskitahan umano ng nasabing mister ang tricycle driver na anak na binaril ang direksyon nito kung saan aksidenteng tinamaan ang pasahero nito na nasawi sa insidente. Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang kaso.

 

Show comments