2 mag-live in itinumba

MANILA, Philippines -  Pinagbabaril at napatay ng mga hindi pa kilalang suspek ang dalawang mag-live in partner sa magkahiwalay na krimen sa Caloocan City at Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa Caloocan City, namatay noon din ang mag-live-in na sina Anacleto Dela Cruz, 51, tricycle driver at Ycil Chua, 47,  kapwa taga  Block 81, Excess Lot Phase, 4B Package 8 Brgy. 176 Bagong Silang ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-11:40 ng gabi ay mahimbing na natutulog ang maglive-in sa kanilang bahay nang pasukin ng tatlong armadong suspek na nakasuot ng bull cap at face mask na nagpakilalang mga pulis at agad silang pinagbabaril nang masigurong patay na ay tumakas ang tatlong suspek.

Samantala, sa Brgy. Batong Silangan,Quezon City ay pinagbabaril din ang mag-live in na sina Arieto Sanchez, 29 at Gina Cepeda, Viliganio, 35, kapwa nakatira sa B 10,1-7, Eagle St., Area 6, Sitio Veterans.

Sa ulat, bandang alas-7:00 ng gabi nang pasukin ng apat na armadong lalaking naka bonnet ang bahay ng mag-live-in at walang habas na pinagbabaril.

Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo na hindi naplakahan.

Show comments