Rody: ‘Leni pakasalan mo ako’!
Rudy Andal (Pang-masa) - March 24, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pakasalan mo ako para tayong dalawa ang magpatakbo ng bansa”.

Ito ang mensahe ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo  na inaakusahan nito na kasama para siya ay mapatalsik sa puwesto.

Bagama’t hindi binabanggit ang pangalan ni Robredo ay sinabi ni Duterte na ang bise presidente ay apurado na siya ay mapatalsik sa puwesto gayung wala pa siyang isang taon sa panunungkulan.

“Ito si (Sen.) Alan (Cayetano) sayang lang iyan. Eh kasi yung babae ang pinili ninyo. Apurado gusto akong paalisin. Hindi pa ako dumating ng isang taon dito paalisin mo na ako”, pahayag ni Duterte sa Filipino community sa Thailand.

“Sige dalaga naman siya. Sige pakasalan mo ako. Dalawa na tayo dito. At least hindi ako mawawalan ng ano. Bulong nang bulong na lang ako sa iyo. Ba’t nagmamadali. Maghintay ka. Anong bang ginawa sa bayan”, dagdag ni Pangulong Duterte.

Magugunita na una nang sinabi ni Pangulong Duterte na apurado si Rob­redo na maging pangulo, subalit naniniwala ito na hindi ito ang nasa likod ng umano’y destabilization plot laban sa kanya.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with