4 Minasaker sa KTV bar
Rhoderick ­Beñez, Joy Cantos (Pang-masa) - March 21, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang apat na katao matapos na sila ay pagbabarilin habang nag-iinuman sa loob ng isang karaoke bar sa Purok 1, Brgy. 3, Poblacion, Cabadbaran City, Agusan del Norte, kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Bryan Pagal, 27, ng Brgy. Tolosa; Lotter Ladria, may-ari ng videoke house; Jade Tagaro, 25, at Ricky Careras, 33, kapwa residente ng Brgy. 3, Poblacion.

Sugatan at ginagamot naman sa ospital ang  isa pang biktima na si  Jarrey Abasolo, 29.

Sa report ni Supt. Reynaldo Acosta, hepe ng Cabadbaran City Police, nangyari ang insidente sa Coach Repuvlik Videoke Bar sa tabi ng Rizal Park sa Purok 1, Brgy. 3 ng lungsod na ito bandang alas-8:50 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, nag-iinuman umano ang mga biktima sa nasabing lugar nang biglang sumulpot sa lugar ang isang motorsiklo na sinasakyan ng tatlong suspek.

Dalawa sa mga backriders ang nagsibaba saka pinagbabaril ang  mga biktima.

Inihayag naman ng lone survivor na si  Abasolo na blangko siya sa motibo ng pamamaril dahil wala siyang kalaban at wala rin siyang alam na may kaaway ang kanyang mga kasamahang basketbolista.

KTV BAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with