Bus vs Tanker:1 dedo, 30 sugatan

MANILA, Philippines -  Isang katao ang nasawi habang mahigit sa 30 ang nasugatan nang aksidenteng magbanggaan ang isang mini bus at kasalubong nitong oil tanker kahapon ng umaga sa kahabaan ng Roman Highway, Mariveles, Bataan.

Ang biktima na hindi na umabot nang buhay dahil sa pinsala sa katawan sa Balanga General Hospital ay kinilalang si Roel Cuadro.

Mahigit 30 naman ang nasugatan kabilang ang driver ng tanker na si Felix Sandigan,  na nasa kritikal na kondisyon.

Batay sa ulat, bago naganap ang aksidente dakong alas-7:00 ng umaga sa nasabing highway ay masyado umanong mabilis ang takbo ng mini bus na minamaneho ni Ronald Ramos na nagbunsod sa sakuna habang tumatawid sa kabilang linya ang tanker galing sa pinagkukunan nito ng gasolina sa Mariveles nagbunsod ng sakuna.   

Show comments