^

Police Metro

604 sasakyan nabawi sa rent sangla scam

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nabawi ng mga ele­mento ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang nasa 604 sasakyan sa rent sangla scam syndicate sa serye ng operasyon sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Ayon kay P/Sr. Ins­pector Jem Delantes, Spokesperson ng PNP-HPG, sa ngayon umaabot na sa 604 na mga sasak­yan ang kanilang nare­rekober mula sa naitalang 1,800 na mga sasakyan nabiktima ng sindikato.

Sinabi ni Delantes na karamihan dito ay narekober sa Region IV A at National Capital Region (NCR)  kabilang ang 15 behikulo na narekober nitong nakalipas na linggo sa Quezon City.

Sa kabuuang 604 nabawing mga behikulo ay nasa 340 na mga sasakyan na lamang umano ang natitira sa kanilang kostudiya kung saan mahigit 200 sa mga ito ang naibalik na sa mga registered owners.
Inirekomenda na rin  ng PNP-HPG na maimbestigahan ang mga bank employees na nag-asikaso sa mga papeles ng mga suspek para mabilis na maaprubahan ang mga car loans ng mga ito.

vuukle comment

PNP-HIGHWAY PATROL GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with